Bumalik

A1C Calculator

Alamin ang average blood sugar mo

4.0%14.0%

Ano ang ibig sabihin ng A1C?

Ang A1C (o HbA1c) test ay nagsu-sukatin ang average blood sugar mo sa nakaraang 2-3 buwan. Hindi tulad ng regular blood sugar test na nagpapakita lang ng level mo sa oras na iyon, ang A1C ay nagbibigay ng mas malaking picture kung paano mo kinokontrol ang diabetes mo. Mas mababa ang A1C, mas maganda ang kontrol mo sa blood sugar.

A1C Target Ranges

SitwasyonA1C Target
Karamihan ng adults na may diabetesBelow 7%
Buntis na may diabetesBelow 6%
Matatanda (65+)Below 8%
Bagong diagnoseBelow 6.5%

Wala ka pang A1C result? Magpa-HbA1c test sa NowExpress.

Mga Madalas Itanong

Ano ang normal na HbA1c?

Ang normal na HbA1c ay below 5.7%. Ang 5.7% hanggang 6.4% ay prediabetes range, at ang 6.5% pataas ay diabetes range. Iba ito sa mga target sa table sa itaas, na para sa mga may diabetes na. Doctor pa rin ang magko-confirm ng diagnosis, kadalasan pagkatapos ng pangalawang test. Kung pasok ka sa prediabetes o diabetes range, alamin kung aling doctor ang pupuntahan.

Paano i-convert ang A1C sa blood sugar (mg/dL at mmol/L)?

I-multiply ang A1C sa 28.7, tapos ibawas ang 46.7. Ang lalabas ay ang estimated average glucose (eAG) mo sa mg/dL. Halimbawa, ang A1C na 7% ay mga 154 mg/dL. Para gawing mmol/L, i-divide sa 18, kaya ang 154 mg/dL ay mga 8.6 mmol/L. Ito rin ang formula na gamit ng calculator sa itaas. Ikumpara ang sagot sa mga reading mo sa Blood Sugar Log.

Kailangan bang mag-fasting bago ang HbA1c test?

Hindi. Pwede kang kumain bago ang HbA1c test, dahil sinusukat nito ang average ng sugar mo sa nakaraang 2 hanggang 3 buwan, hindi ang sugar ngayong araw. Iba ang FBS, na kailangan ng at least 8 oras na walang kain o inumin maliban sa tubig. Kung isasabay mo ang HbA1c sa FBS, mag-fasting ka na rin. Tingnan ang FBS test at fasting guide sa Blood Sugar Log.

Gaano kadalas dapat magpa-HbA1c?

Tuwing 3 buwan kung may diabetes ka at hindi ka pa nasa target, o kakapalit lang ng gamot mo. Kung stable at nasa target ka na, mga dalawang beses sa isang taon. Kung prediabetes ang resulta mo, karaniwang isang beses sa isang taon. Dahil 2 hanggang 3 buwan ang sinusukat ng test, kadalasan hindi na kailangan ang mas madalas. Kapag due ka na, pwede kang magpa-HbA1c test sa NowExpress.

Bakit iba ang A1C ko sa mga blood sugar reading ko?

Dalawa ang karaniwang dahilan: hindi sakop ng mga reading mo ang buong araw, o may kondisyon na nakakaapekto sa A1C. Kung umaga ka lang nagche-check, hindi mo nakikita ang taas ng sugar pagkatapos kumain. Umaasa naman ang A1C sa red blood cells, kaya pwede itong maapektuhan ng anemia, thalassemia trait, kamakailang pagdurugo o blood transfusion, pagbubuntis, at malubhang sakit sa kidney. Ipakita ang log at A1C mo sa isang endocrinologist.

Pareho ba ang A1C at HbA1c?

Oo, iisang test ang A1C at HbA1c. Sa ilang lab menu, nakalista ito bilang glycosylated hemoglobin o glycated hemoglobin, at pareho rin iyon. Magkakaiba lang ang tawag depende sa lab o doctor; ang sinusukat ay ang average ng sugar mo sa nakaraang 2 hanggang 3 buwan. Wala ka pang resulta? Pwede kang magpa-HbA1c test sa NowExpress, tapos ilagay ang numero sa calculator sa itaas.

Paano mapababa ang A1C?

Sa pagkain, sa galaw, at sa gamot na iniinom ayon sa reseta ng doctor mo. Bawasan ang kanin, tinapay at matatamis na inumin, at dagdagan ang gulay. Maglakad nang mabilis mga 30 minuto, 5 araw sa isang linggo, kung payag ang doctor mo. Kung nag-iinsulin ka o may gamot na pwedeng magpababa nang sobra ng sugar, mag-check bago at pagkatapos maglakad, at huwag bawasan o itigil ang gamot nang hindi kinakausap ang doctor. Mga 3 buwan bago lubos na makita ang pagbabago sa A1C. Para sa meal plan, magpatingin sa nutritionist o endocrinologist.

Magkano ang HbA1c test?

Iba-iba ang presyo depende sa lab, ospital o clinic, at sa lungsod mo. Nagbabago rin ito, kaya mas mabuting tingnan ang updated na listahan kaysa sa lumang numerong nakita online. Nasa price guide ng NowServing ang presyo ng mga blood sugar test, at pwede ka ring magpa-HbA1c test sa NowExpress.