Blood Sugar Log
I-track ang blood sugar mo araw-araw
Ang pag-track ng blood sugar ay isa sa pinakamahalagang bagay na pwede mong gawin para kontrolin ang diabetes mo. Ipakita ito sa doctor mo tuwing check-up.
Target Ranges
| Oras | mg/dL | mmol/L |
|---|---|---|
| Bago kumain (fasting) | 80-130 | 4.4-7.2 |
| 2 oras pagkatapos kumain | Below 180 | Below 10.0 |
| Bago matulog | 100-140 | 5.6-7.8 |
Ang data mo ay naka-save sa phone/computer mo lang. Hindi ito ipinapadala kahit saan.
Kailan Tumawag sa Doctor
- Blood sugar consistently above 250 mg/dL
- Blood sugar below 70 mg/dL (hypoglycemia)
- Symptoms: pagkahilo, labis na pagkauhaw, madalas na pag-ihi, malabong paningin
May mga ganito ka? Tumawag o mag-book ng appointment agad.
Magpa-lab test sa NowExpress: FBS (fasting blood sugar) test o RBS (random blood sugar) test. Kailangan bang mag-fasting bago ang blood test? Basahin dito.
I-share ang blood sugar log mo sa doctor
Maghanap ng EndocrinologistMga Madalas Itanong
Ano ang normal na blood sugar?
Ang normal na fasting blood sugar ay 70 hanggang 99 mg/dL (3.9 hanggang 5.5 mmol/L). Ang 100 hanggang 125 mg/dL ay prediabetes range, at ang 126 mg/dL pataas ay diabetes range. Ang fasting ay walang kain nang at least 8 oras. Kung may diabetes ka na, iba ang target mo, at nasa table iyon sa itaas. Doctor pa rin ang magko-confirm ng diagnosis. Para sa numerong galing sa lab, magpa-FBS test sa NowExpress.
Ano ang normal na blood sugar pagkatapos kumain?
Below 140 mg/dL (7.8 mmol/L) dalawang oras pagkatapos kumain, kung wala kang diabetes. Kung may diabetes ka, ang target ay below 180 mg/dL (10.0 mmol/L). Normal na tumaas ang sugar pagkatapos kumain, kaya ang 2-hour reading ang nagsasabi kung bumaba na ito nang maayos. Bilangin ang 2 oras mula sa unang subo. Kung madalas kang lumampas, itala ito sa log sa itaas at ipakita sa doctor.
Paano i-convert ang mmol/L sa mg/dL?
I-multiply ang mmol/L sa 18. Halimbawa, ang 6.2 mmol/L ay mga 112 mg/dL, na nasa prediabetes range kung fasting at galing sa lab. Hindi pang-diagnose ang glucometer sa bahay; kung mataas ang reading mo, magpa-FBS sa lab at ipakita sa doctor. Para pabalik, i-divide ang mg/dL sa 18. May lab at glucometer na mmol/L ang gamit at may iba na mg/dL, kaya madaling mabasa nang mali. Para sa HbA1c, gamitin ang A1C calculator.
Gaano kadalas dapat mag-check ng blood sugar?
Depende sa gamutan mo, at ang doctor ang magtatakda. Kung nag-iinsulin ka bago kumain, kadalasan ilang beses sa isang araw: bago kumain, bago matulog, at kapag may sintomas. Kung tablets lang ang gamot mo, madalas mas kaunti ang kailangan. Ang mahalaga ay sapat ang reading para makita ang pattern. Itala ang bawat isa sa log sa itaas at ipakita sa doctor mo.
Ano ang sintomas ng mababang blood sugar at ano ang dapat gawin?
Panginginig, pagpapawis, pagkahilo, biglang gutom at mabilis na tibok ng puso ang karaniwang sintomas, at mababa ang sugar kapag below 70 mg/dL. Sundin ang 15-15 rule: uminom o kumain ng 15 grams ng mabilis na asukal, gaya ng kalahating baso (mga 120 mL) ng juice o regular na softdrink, maghintay ng 15 minuto, at mag-check ulit. Kung below 70 pa rin pagkatapos ng dalawang ulit, pumunta sa ER. Kapag umayos na, kumain ng meryenda o ng susunod na meal. Kung nawalan ng malay, nagkukumbulsyon o hindi makalunok, huwag painumin o pakainin dahil pwedeng mabilaukan; tumawag sa 911 o dalhin agad sa ER.
Bakit tumataas ang sugar ko pagkatapos kumain ng kanin?
Dahil halos puro carbohydrate ang kanin, at mabilis itong nagiging glucose sa dugo. Lalo itong tumataas kapag malaki ang serving o kapag kanin lang halos ang laman ng plato. Bawasan ang kanin, dagdagan ang gulay, at isabay ang ulam na may protina. Mag-check 2 oras mula sa unang subo para makita ang epekto, at magpaturo ng tamang portion sa isang nutritionist.
Bakit mataas ang sugar ko sa umaga kahit hindi ako kumain?
Isang karaniwang dahilan ang dawn phenomenon. Sa madaling-araw, naglalabas ang katawan ng hormones na nagpapataas ng sugar para ihanda ka sa paggising, at sa may diabetes, hindi ito agad nababalanse. Pwede ring dahil sa late na meryenda, o sa gamot na hindi tugma ang oras o dose. Huwag baguhin ang oras o dose ng gamot nang mag-isa. Itala ang sugar bago matulog at paggising nang isang linggo, at ipakita ang log sa endocrinologist mo.
Kailangan ko ba ng glucometer, o may paraan na walang tusok?
Oo, kung may diabetes ka at pinapa-check ka ng doctor mo sa bahay. Noong 2024, nagbabala ang US FDA na huwag gamitin ang mga smartwatch o smart ring na nagsasabing kaya nilang sukatin ang blood sugar nang hindi tumutusok sa balat, dahil walang napatunayang tumpak sa mga ito. May mga sensor na nakadikit sa braso na nagbabawas ng araw-araw na tusok sa daliri, pero may maliit pa ring bahagi sa ilalim ng balat. Basahin ang guide ng NowServing tungkol dito.